Tinatayang ₱24,385,000 ang kabuuang halaga ng interbensyon na matagumpay na naipamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) para sa taong 2025. Kabilang dito ang mga naipagkaloob sa mga magsasaka ng CALABARZON na binhi ng gulay, prutas, ornamentals, herbs, spices, organikong pataba, hydroponics growing kit, at hauling truck. Pati na rin ang mga naisagawang pagsasanay at techno demo. Ito ay nagresulta sa paggawad ng parangal sa NUPAP na highest combined rate of physical and financial accomplishments, 100% physical accomplishment, at 3rd-highest combined rate of obligation and disbursement para sa kanilang mga target noong 2025. Inilahad ito sa NUPAP FY 2027 Plan and Budget Proposal Preparation Workshop sa General Santos City, South Cotabato noong ika-3 ng Pebrero. Ayon kay NUPAP Regional Focal Person Felix Joselito Noceda, sinisiguro nila ang patuloy na pagtutok sa mga target at interbensyon nang sa gayon ay masusing matugunan ng Kagawaran ang pangangailangan ng mga magsasaka lalo na sa mga training na siyang pundasyon ng kasanayan.